-- Advertisements --

Kinansela ni Pope Francis ang ilang mga meetings nito matapos na dapuan ng trangkaso.

Ayon kay Matteo Bruni ang director ng Holy See Press Offcie, na dahil sa nasaibng masamang pakiramdam ng Santo Papa ay minabuti niyang huwag tumanggap ng mga bisita.

Hindi pa nila tiyak kung pangungunahan niya ang misa sa araw ng Linggo, Mayo 28.

Sa mga nagdaang araw kasi ay naging abala ang Santo Papa kung saan nagsagawa ito ng close-door meetings sa mga Italian bishops para sa 77th general assembly.

Pinangunahan din nito ang weekly Wednesday morning audience sa publiko.

Nitong Mayo 25 namay nakapulong niya ang mga religious sisters, bishops at lay delegates ng synodal journey sa Italy.

Magugunitang noong Marso ay dinala sa na-confine na ang 86 na Santo Papa dahil sa impeksyon sa baga nito.