Isinusulong ni Parañaque 2nd District at vice chairperson ng House Committee on Transportation Representative Brian Raymund Yamsuan ang Magna Carta for Commuters upang matiyak na abot kaya, maginhawa at ligtas ang pagbiyahe ng ating mga kababayan.
Dahil dito, nananawagan si Yamsuan sa mga kapwa mambabatas na ipasa na ang House Bill No. 2581 na naglalayong higpitan pa ang pagbibigay ng lisensiya at mandatory training para sa mga public utility vehicle (PUV) drivers.
Binigyang-diin ni Yamsuan sa ilalim ng nasabing panukala, mapangangalagaan ang mga karapatan at kapakanan ng mga commuter, magiging priyoridad na ito sa pagpaplano at pagpapatupad ng mga proyekto sa imprastraktura ng transportasyon.
Ayon kay Yamsuan, dapat laging una ang kapakanan ng mga commuter sa pagpapatupad ng mga ganitong proyekto.
Giit ng Kongresista, dapat bigyan ng espesyal na pansin ang kaligtasan ng mga commuters na araw-araw na bumibiyahe.
Isa sa mahalagang probisyon sa panukalang Magna Carta ay isusulong ng gobyerno ang safe and efficient driving behavior ng mga PUV drivers sa pamamagitan ng pagsailalim sa mandatory training at mas higpitan pa ang pagbibigay ng lisensiya.
Sa ilalim ng panukalang batas, ang mandatory training ay subsidized ng gobyerno na may modules sa commuter rights, PWD (person with disability) accessibility, road safety at basic emergency response.
Ipinunto ni Yamsuan na ang panukalang Magna Carta ay magbibigay ng dagadg ngipin sa commuter-friendly measures na kasalukuyang ipinatutupad ni Transportation Secretary Vince Dizon.
Kasama din sa panukala ang pagbibigay ng diskwneto sa mga estudyante, seniros at PWDs.
Upang matiyak ang karapatan sa malinis na hangin, inaatasan ang pamahalaan na magpatupad ng mga hakbang na nagpapababa ng mga emisyon ng sasakyan, at hinihikayat ang paggamit ng de-kuryente at hindi de-motor na transportasyon.