Tiniyak ni Parañaque 2nd District Rep. Brian Raymund Yamsuan na palalakasin pa nito ang pagbibigay serbisyo sa publiko lalo na sa kaniyang mga constituents.
Ipinagmalaki ni Yamsuan na sa loob lamang ng unang anim na buwan bilang kinatawan ng Parañaque sa 20th Congress, umabot na sa mahigit 100,000 benepisyaryo ang natulungan sa mga programang hatid ng Kongresista.
Mahigit 60 panukalang batas naman ang kanyang inihain.
Mula sa kanyang unang araw noong Hunyo 30, 2025, agad niyang inilunsad ang Bigay Negosyo program katuwang ang DOLE, na nakatulong na sa 1,148 residente.
Layunin nitong palawakin ang kabuhayan at trabaho nang walang “padrino” sa pamamagitan ng online applications at paggamit ng HOPE cards, kung saa mahigit 48,000 na ang naipamahagi.
Kabilang sa mga panukalang batas na inihain ni Yamsuan ay ang libreng taunang medical checkup, maternity benefits para sa impormal na manggagawa, trabaho para sa seniors at PWDs, libreng tuition sa SUCs para sa government employees, at modernisasyon ng crime investigation.
Isinusulong din ni Yamsuan ang BAON program para sa taunang tulong-pinansyal ng mga estudyante, magna carta para sa commuters at barangay health workers, at HMO benefits para sa public school personnel.
Sa kaniyang, distrito, nasa 8,000 estudyante ang nakinabang sa BAON program sa loob ng anim na buwan, habang mahigit 12,000 residente ang tinulungan sa mga programang pangkabuhayan at trabaho.
Umabot din sa 4,000 benepisyaryo ang mga programang pangkalusugan, at mahigit 25,000 lugaw meals ang naipamahagi sa ilalim ng Yam Meals.
















