-- Advertisements --

Inanunsiyo ng organizer ng Electric Fun Music Festival na hindi na matutuloy ang nasabing event sa Oktubre.

Ayon sa WEU na hindi madali ang desisyon para sa pagpapaliban ng nasabing konsiyerto.

Nagkaroon pa ng ilang mga pagpupulong para maglabas ng desisyon ukol sa postponement ng nasabing event.

Target nila na ituloy ang nasabing konsiyerto sa unang bahagi ng 2026.

Bagamat hindi na nila binanggit kung ano ang mga sinasabing “evolving conditions” na kanilang tinutukoy ay maaaring ito ay dahil sa mga nagaganap na usapin sa pulitikal, at ilang climate-related concerns.

Nakatakda sana ang event sa darating na Oktubre 18 sa Paranaque kung saan mangunguna ang Eraserheads at ilang mga sikat na banda gaya ng Itchyworms, Moonstar 88 at Imago.