-- Advertisements --

Nagwagi ang “Eraserheads: Combo on the Run” sa 2025 Ierapetra International Documentary and Film Festival.

Nakuha ng nasabing documentary film ang titulong International Feature Documentary award na ginanap sa Crete, Greece.

Personal na tinanggap ng director ng pelikula na si Maria Diane Ventura ang nasabing award.

Tinalo nito ang 38 ibang mga kalahok na mula sa mga bansang Italy, Hungary, Spain, US at Portugal.

Ang nasabing doku film din ay siyang naging unang gawang Pinoy na pelikula na naipalabas sa San Diego Comic-Con.

Tumatalakay ito sa mga naging tagumpay ng sikat na banda noong dekada 90 na Eraserheads na binubuo nina Ely Buendia, Raymund Marasigan, Buddy Zabala at Marcus Adoro.

Ilan sa mga kantang pinasikat nila ay ang “Pare Ko”, “Alapaap”, “Ang Huling El Bimbo”, “Magasin” at maraming iba pa.