Bumisita si Pope Francis sa St. Peter’s Basilica upang manalangin bago ang pagsisimula ng Easter Vigil, ayon sa Vatican.
Sa Basilica, binati rin ng santo papa ang mga mananampalataya.
Unti-unting nagpapakita si Pope Francis sa publiko habang siya ay nagpapagaling matapos maospital dahil sa respiratory infection.
Noong Miyerkules, nakipagkita rin ang santo papa sa mga miyembro ng medical team na nagligtas sa kanyang buhay sa loob ng limang linggong pamamalagi sa ospital dahil sa isang malubhang kaso ng double pneumonia.
Ginugunita ng mga Katoliko ngayong araw ang Pasko ng Pagkabuhay ang pinakaimportanteng holiday sa kalendaryo ng mga katoliko, kung saan ginugunita ang kamatayan ni Kristo at ang kanyang muling pagkabuhay.
Ang Easter Snday din ang sumasagisag nang pagtatapos ng Kuwaresma.