Tinapos na ni Pope Francis ang kanyang biyahe sa Bahrain sa pamamagitan ng pagbisita nito sa pinakamatandang Catholic church sa Gulf.
Sa naging mensahe ng Santo Papa, sinabi niya sa mga bishop, pari at mga madre na manatili silang nagkakaisa habang sila ay nag-a-administer sa mga faithful sa majority-Muslim area.
“Worldly divisions, but also ethnic, cultural and ritual differences, cannot injure or compromise the unity of the Spirit,” ani Pope Francis.
Ang huling event ng kanyang four-day trip ay isinagawa sa Sacred Heart church na itinayo noong 1939 sa lupaing idinonate ng naturang bansa.
Dahil dito, ang Bahrain ay isa sa mga most accommodating countries sa rehiyon para sa mga non-Muslims.
Mayroong dalawang Catholic churches ang Bahrain kabilang na ang modern cathedral na pinakamalaking simbahan sa Arabian Peninsula na mayroong 160,000 Catholics.
Karamihan naman sa mga ito ay foreign workers.
Marami ring mga Katoliko ang bumibisita sa mga karatig na bansa sa Saudi Arabia.