-- Advertisements --
trump WEF
Donald Trump

Tuluyan ng pinutol ni US President Donald Trump ang pagpopondo sa World Health Organization (WHO).

Sa talumpati nito sa White House, inakusahan ng US President ang WHO ng pagtatakip sa pagkalat ng coronavirus.

Naging maluwag din aniya ang WHO sa paghawak ng nasabing krisis.

Dagdag pa nito na kung nagtungo na sana ang WHO sa China para tignan ang outbreak ay marami na sanang nailigtas na buhay.

Dahil dito ay inatasan ni Trump ang kaniyang gabinete na itigil muna ang pagpopondo sa WHO.

Aabot kasi sa hanggang $500-million ang inilalaan na pondo ng US sa WHO.