-- Advertisements --
Personal na binisita ni US Vice President JD Vance at Defense Secretary Pete Hegseth ang mga National Guard na nakatalaga sa main train station ng Washington D.C.
Sinabi ng US President na kanilang naibalik ang batas at katahimikan sa D.C.
Pinuri niya ang mga sundalo kung saan binigyan niya ang mga ito ng burgers.
Binatikos din ni Vance ang mga nagsasagawa ng kilos protesta kung saan ayaw ng mga ito na maging masaya ang mga Americans sa kanilang komunidad.
Magugunitang inilagay ni US President Donald Trump ang mga National Guard sa Washington DC para matapos ang mga nagaganap na krimen.
Maraming mga residente ng Washington DC ang nagsagawa ng kilos protesta dahil sa ginawang paghihigpit ng gobyerno.