Magkatuwang na inilunsad ngayong araw ng Department of Information and Communications Technology o DICT at National Commission of Senior Citizens ang digitalization ng National Senior Citizens ID.
Kung saan ginawang ‘digital’ o online na ang naturang ID para sa mga lolo, lola at nakatatanda na siyang kanilang maari ng magamit.
Sa naganap na programa ngayong araw ng DICT at NCSC, kanilang ipinagmalaki ang nabanggit na ‘digitalization’ na magagamit sa pamamagitan ng eGovPH application.
Pinangunahan ito nina National Commission of Senior Citizens Chairperson Dr. Mary Jean Loreche, DICT Secretary Henery Aguda, Senior Citizens Partylist Rep. Rodolfo Ordanes at iba pa.
Anila’y ang digital na National Senior Citizens ID ay layon makatulong para mas maging ‘accessible’ ang mga benipisyo, senior citizen discounts, healthcare services at iba pang serbisyo.
Ayon kay National Commission of Senior Citizens Chairperson Dr. Loreche, hindi na kailangan pang magdala ng booklet lalo na kapag bibili ng gamot ang mga senior citizens.
Inaasahan na makatutulong ang naturang digitalization na maaring magamit ng nasa higit 12-milyon senior citizens.
Na ngunit sa kasalukuyan ay 1.2 million senior citizens pa lamang ang nasa eGovPH app.
Ayon kay Secretary Henry Rhoel Aguda, kalihim ng DICT, mabilis at madali lang naman raw ang registration dahil sa kapag download at register ng account sa eGovPH app, makikilala nito kung nasa edad 60 na ang indibidwal.
Sakaling nasa edad ng nabanggit, awtomatikong gagawa na ito ng ‘account’ upang magkaroon ng digitalized Senior Citizens ID.