-- Advertisements --

Pinapabilis ng Department of Information and Communications Technology (DICT) ang pagbabalik ng komunikasyon upang mapabilis ang pagbangon ng mga lugar na nasalanta ng bagyong Uwan.

Sa Catanduanes, naglagay ang DICT ng Starlink sa Provincial Social Welfare and Development Office, Emergency Operations Center, at Virac Airport para siguradong tuloy-tuloy ang serbisyo ng internet.

Layunin nitong matulungan ang mga frontliner na nangangailangan ng mabilisang koordinasyon, komunikasyon, at pagsubaybay.

Binuksan rin ng DICT ang Emergency Communication Box, nagbigay ng Free Wi-Fi for All, at naglagay ng libreng charging stations sa DICT Catanduanes Provincial Office para matulungan ang mga residente na makaugnay muli sa kanilang mga pamilya.