-- Advertisements --

Isinagawa ngayong araw, sa pangunguna ng Department of Information and Communications Technology ang Digital Bayanihan Summit 2026.

Sa naturang pagtitipon natalakay ang iba’t ibang mga isyu at problemang kinakaharap ng publiko sa paggamit ng digital platforms.

Ayon sa kalihim ng kagawaran na si Secretary Henry Rhoel Aguda, layon sa Digital Bayanihan Summit na matiyak ang koordinasyon sa pagitan ng ahensiya at mga online platforms gamit dito sa bansa.

Aniya’y nais nilang maseguro’t maipakita ang patuloy na pakikipagtulungan ng mga ito sa ahensiya sapagkat giit niya’y ang digital platforms ay marami naman umanong positibong benepisyo sa mamamayan.

Subalit binigyang diin ng kalihim na bagama’t may magandang epekto ito, dapat pa ring malabanan o matanggal ang masamang dulot sa publiko.

Layon din sa inilunsad na ‘summit’ na maipakita maging ang mga ‘safety feautures’ at ‘tools platforms’ na gamit upang malabanan ang misinformation, fraud, at online abuse.

Pati pagbibigay kaalaman sa publiko patungkol sa ‘digital rights’ sa pamamagitan ng mga gabay sa platform community guidelines, safety settings at iba pa ay prayoridad sa naturang pagtitipon.

Kung kaya’t sa programa ay tinalakay ang iba’t ibang mga tema katulad ng pagiging responsable sa digital platforms at papaano maiiwasan na mabiktima ng panloloko online.

Ibinida ni Secretary Aguda nag-improve naman umano ang pagtugon nila o ng mga online platforms sa paglaban kontra pagkalat ng maling impormasyon.