-- Advertisements --

Mariin kinondena ng Department of Information and Communications Technology ang insidente ng pamamaril sa Banga National High School sa South Cotabato, nagresulta sa ilang estudyanteng sugatan, at pagkasawi ng 3 indibidwal. 

Giit ng kagawaran, ang anuman karahasan ay walang lugar sa loob at paligid ng mga paaralan at prayoridad ang kaligtasan ng mga mag-aaral, guro at tauhan ng mga eskwelahan. 

Naniniwala si DICT Secretary Henry Rhoel Aguda na dapat nang ikabahala ang mga karahasan kinasasangkutan ng kabataan. 

Kinakailangan aniyang mabantayan maigi ang mga ‘online groups’ na nagtataguyod ng ‘violent extrimist contents’ kasabay sa lumalaki na nitong banta. 

Ayon pa sa kalihim, hindi lamang ito simpleng usapin ng ‘screentime’ kundi patungkol na sa kaligtasan ng publiko at mga bata. 

Kaya’t makaseseguro umanong gagawa sila ng mga hakbang upang matugunan ang isyu. 

Hinimok naman ang publiko na iwasan nang mag-repost o i-share ang mga videos, larawan at contents may kinalaman sa naturang insidente.