-- Advertisements --

Inihayag ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center na walang kawala o hindi makakatakas ang mga pasimuno sa pagpapakalat ng fake news online.

Ayon kay Undersecretary Renato ‘Aboy’ Paraiso, ang executive director ng naturang ahensya, ang mga ‘contents’ na naglalaman ng maling impormasyon ay kanilang ipinapapreserba.

Ibig sabihin, kahit pa burahin o tanggalin ng nag-post o ng mga nasa likod ng pagkalat ng ‘fake news’ ay hindi pa rin ito mawawala sapagkat napreserba o may kopya na ang ahensya.

Ibinahagi ng naturang opisyal na katuwang aniya nila rito maging mga ‘law enforcement agencies’ para sa tinatawag na ‘data preservations’.

Kung kaya’t babala ni Usec. Aboy sa publiko lalo na partikular sa mga nasa likod ng maling gawain na mayroon silang panghahawakan ‘ebidensya’ upang sila’y masampahan ng kaukulang kaso.

Maisa pang babala at paalala ni Usec. Aboy Paraiso na wag’ ng subukin ang limitasyon o hangganan ng pasensya ng gobyerno ukol sa pagpapakalat ng maling impormasyon.

At kung ang ‘fake news’ ay may kinalaman o nakakaapekto na sa pambansang seguridad, at tiwala ng tao sa gobyerno, babala ng opisyal na ito’y kanilang hindi na palalagpasin pa.

Nagbahagi naman ng hinaing si Department of Information and Communications Technology Sec. Henry Rhoel Aguda hinggil sa usapin paglaban kontra ‘fake news’.

Aniya kasi niya’y imbes na nakatutok at nakatuon ang atensyon ng kagawaran sa mga programang higit na makatutulong sa publiko sa paggamit ng teknolohiya, nababaling lamang raw ito sa pagtugis ng maling impormasyon online.