Iginiit ng mga opisyal ng gobyerno na nagagamit ng wasto ang inilalaang pondo para sa COVID-19 response ng pamahalaan.
Ito ang iginiit nina vaccine czar Sec. Carlito Galvez at Budget Sec. Wendel Avisado sa kanilang pagharap sa committee of the whole ng Senado, sa pagdinig ngayong araw.
Ayon kay Galvez, tuloy-tuloy ang kanilang pakikipag-deal sa mga vaccine manufacturers, para lamang makompleto ang kinakailangang bakuna.
Katunayan, nasa 6.4 billion pa ang darating na supply sa mga susunod na araw.
“6.4 million COVID-19 vaccines from different manufacturers will arrive in the Philippines before end of June,” wika ni Galvez..
Kinatigan din ni Avisado ang ulat ni Galvez, kasabay ng pagsasabing suportado ito ng mga dokumento.
Una rito, nag-convene ang mga senador bilang committee of the whole, kahit nakabakasyon ang mga ito, para himayin ang ginagawang pagtugon ng gobyerno sa kinakaharap na pandemya.
Ayon kay Senate President Tito Sotto, hindi lamang ang kasalukuyang sitwasyon ang nais nilang malaman, kundi maging ang pangmatagalang plano ng pamahalaan, lalo’t mahigit isang taon na ang pinaiiral na quarantine.
“…To discuss the possibility of amending the present IATF quarantine guidelines to be attuned with the direction of the country to open the economy safely. Another reason to update the present quarantine protocols is to ease the burden of our OFWs and returning overseas Filipinos (ROFs) who are directly affected by the ever changing and lengthy travel and quarantine protocols,” wika ni Sotto.