Aminado ang pinuno ng Pambansang Pulisya na hindi absolute ang 5-minute response time ng kanilang hanay ay ito ay nakadepende pa rin sa sitwasyon.
Ayon kay Philippine National Police (PNP) Chief PGen Nicolas Torre III , mayroong apat na rehiyon sa bansa ang nagpamalas ng average na 6-minute response time sa Emergency 911 .
Ito ay sa nakalipas aniya na dalawang linggo batay na rin sa datos ng kanilang operations center.
Sa isang panayam ay sinabi ni Torre na dahil dito ay bibigyan niya ng kaukulang guidelines ang kapulisan sa pagpapatupad nito.
Ayon kay Torre, hindi agad masasabing mali ang paglampas sa limang minutong response time dahil sa iba’t ibang tactical considerations at sistema sa bawat rehiyon.
Giit nito na mahalaga ang tamang assessment, pagresponde, at sistema ng mga commanders on the ground.
Nilinaw rin niya na ang absolute 5-minute response time ay para lamang sa mga sentro ng siyudad.
Siniguro naman ng PNP Chief na reresponde ang mga pulis sa rasonableng oras sa panahon ng emergency.