Mike Pompeo
US Secretary State Mike Pompeo/ IG post

Ipinagtanggol ni US Secretary of State Mike Pompeo ang ginawang pag-atake nila sa Iraq.

Sinabi nito na ang kanilang ginawa ay para agad na ma-kontra ang napipintong pag-atake umano ng Iran sa US.

Hindi naman nito binanggit ang nasabing banta subalit nilinaw niya na ang ginawa nila ay base sa nakalap nilang mga intelligence report.

Ipinaggiitan nito na si Qassem Soleimani, ang commander ng Quds Force ng Iran, ang siyang nasa likod ng pagpaplano ng pag-atake sa nasabing rehiyon.

Dahil aniya sa ginawa nilang atake ay nabulabog ang nasabing planong kaguluhan.