-- Advertisements --

Inaalam na ngayon ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang ilang aktibidad ng mga national candidates na nakikitaan ng paglabag sa health protocols.

Sa pulong balitaan ng DILG, sinabi ni Sec. Eduardo Año na may mga sumbong silang natatanggap ukol sa sari-saring violations ng mga kandidato at supporters sa isang malaking aktibidad.

Pinakahuli umano rito ang event ng ilang national candidates na ginanap sa lalawigan ng Batangas.

Tumanggi muna si Año na pangalanan ang mga politikong isinasangkot sa umano’y “breach of protocols.”

Sa hiwalay na statement, sinabi naman ni DILG Usec. Jonathan Malaya na hinihintay pa nila ang ulat ng pulisya na nakakasakop sa nasabing lugar.