Inilunsad ng PNP Counter Intelligence Task Force (CITF) ang kanilang operasyon kabilang na ang hotline na maaaring tawagan ng publiko para isumbong ang mga tiwaling pulis.

Ito ay ang hotline cellphone number na 0998-970-22-86.

Ayon kay PNP chief Dir. Gen. Ronald Dela Rosa, buo na ang task force na pinamumunuan ni S/Supt. Jose Chiquito Malayo kasama ang nasa 100 pulis na kinabibilangan ng ilang tauhan ng CIDG, intelligence group at Special Action Force (SAF).

Ang CITF ang mangunguna sa isasagawang internal cleansing ng PNP, at siyang tutukoy at tutugis sa mga pulis na sangkot sa iligal na aktibidad.

Hinimok naman ni PNP chief ang publiko na tumulong sa paglilinis sa hanay ng pulisya at i-report sa kanilang hotline ang mga pulis na gumagawa ng kalokohan.

Tiniyak ni Dela Rosa na ang lahat ng reklamo ay iva-validate ng task force at magiging confidential ang pangalan ng mga magsusumbong.

Samantala ang iba pang umiiral na hotlines ng PNP ay ang mga sumusunod: 911, 888, 117