AFGHANISTAN
Afghanistan

Nasa 20 katao ang nasawi sa pag-atake ng armadong kalalakihan sa police headquarters sa Pul-e-Khumri City, Afghanistan.

Nagsimula ang pang-aatake sa pamamagitan ng suicide bomber hanggang nagkaroon ng magkakasunod na pamamaril.

Ayon sa tagapagsalita ng interior ministry ng Afghanistan na dalawang militants ang kanilang napatay.

Mabilis namang inako ng Taliban ang nasabing insidente.