-- Advertisements --

Tiniyak ni PNP Chief Gen. Guillermo Eleazar na mananagot ang mga police station commanders kapag may mga “super spreader events” na mangyayari sa kanilang mga areas of responsibilities (AOR).

Aarestuhin din ng PNP ang mga opisyal ng barangay na siya pang nagunguna sa paglabag sa minimum health and safety protocols.

Dapat lang managot ang mga lokal na opisyal tulad ng mga kagawad at Barangay Captain dahil sa pagbabalewala sa health protocol para labanan ang Covid-19.

Ayon kay PNP Chief P/Gen. Guillermo Eleazar, nadidismaya siya tulad ng Pangulo dahil ang mga tao at opisyal ng barangay na dapat sanang nangungunang sumunod sa batas ay siya pang numero unong lumalabag dito.

Siniguro naman ni PNP Chief ang due process sa mga maiimbitahan na lokal na opisyal.

Kinalampag ni Eleazar ang lahat ng mga Police Commander sa buong bansa na bantayan ang kanilang area of responsibility dahil tiyak na mananagot ang mga ito kapag napatunayang sila’y nagpabaya.