Inamin ng Philippine Olympic Committee (POC) na mahaharap sa malaking hamon ang atelta ng bansa sa paglahok sa 33rd Southeast Asian Games na gaganapin sa Thailand sa buwan ng Disyembre.
Ayon kay Philippine Olympic Committee (POC) President Abraham “Bambol” Tolentino na maraming mga kategorya kung saan ang mga atleta ng bansa ay maaring magwagi ng medalya ay tinanggal sa programa.
Inihalimbawa nito ang martial arts kung saan tinanggal na ang weight category.
Naging flexible kasi ang SEA Games sports program kung saan ang host country ay papayagan na magpakilala ng bagong sports na hindi kadalasang nakikita sa mg regional at global competitions.
Maari din silang mag-adjust ng events at categories sa bawat sports.
Noong 2023 SEA Games sa Cambodia ay nagtapos sa pang-limang puwesto ang Pilipinas na mayroong 58 gold medals, 85 silvers at 117 bronze.
Umaasa si Tolentino na mapanatili ng Pilipinas ang rankings o higitan pa ito.
Magpapadala ang Pilipinas ng 1,600 na atleta na sasabak para sa SEA Games sa Thailand.
		
			
        














