Itinuturing ni Philippine Olympic Committee (POC) president Abraham “Bambol” Tolentino na isang yaman ng world pool ang pambato ng bansa na si Carlo Biado.
Kasunod ito ng pagkampeon ni Biado sa 2025 Wold Pool 9-Ball Championship na ginanap sa Saudi Arabia.
Sinabi ni Tolentino na mahalagang ipagdiwang ang panalo ni Biado dahil siya lamang ang tanging manlalaro na dalawang beses na nagkampeon sa 9-ball champion.
Tinalo ni Biado si Russian-American Fedor Goorst sa score na 15-13 sa final round.
Taong 2017 ng magkampeon din si Biado sa parehas na torneo na ginanap noon sa Doha, Qatar.
Magugunitang ilang mga Pinoy ang nagkampeon na rin sa nasabing torneo gaya nina Efren ‘Bata’ Reyes na nagwagi noong 1999 sa Cardiff; Ronnie Alcano na ginanap sa bansa noong 2006 at Francisco “Django” Bustamante noong 2010 na ginanap din sa Doha.