-- Advertisements --

Lubos pa rin ang papuri ni US billiard legend Earl Strickland kay Pinoy legendary Efren ‘Bata’ Reyes.

Si Stricikland ay tinanghal na kampeon sa katatapos na WNT Legends na ginanap sa Quezon City ng talunin niya si Pinoy legend Francisco ‘Django’ Bustamante.

Sinabi ni three-tiem world champion at five-time US titlist na walang katulad sa husay si Reyes.

Dagdag pa nito na marami siyang natutunan sa Pinoy billiard star noong nakaharap niya.

Magugunitang tinalo rin nina Strickland at Ralph Soquet ang magkasamang sina Bustamante at Reyes sa team event.