-- Advertisements --
Nakuha ni Pinay cue artist Chezka Centeno ang kampeonato ng 2025 WPA Women’s 10-Ball World Championship na ginanap sa Bali, Indonesia.
Tinalo nito ang kapwa Pinay cue artist na si Rubilen Amit sa score na 4-1, 2-4, 4-2, 3-4, 4-2.
Naging mahigpit ang laban ng dalawa subalit hindi nagpabaya sa mga depensa ang 26-anyos na native ng Zamboanga.
Pinasalamatan nama ni Centeno ang Maykapal dahil sa hindi siya pinabayaan para manalo.