May sariling imbestigasyon na ginagawa ngayon ang PNP sa nangyaring pagkamatay ng isang miyembro ng Abu Sayyaf na nakilalang si Abu Saad sa lalawigan ng Bohol.

Ito ay kasunod ng report ng CHR na ito ay malapitang binaril sa ulo.

Ayon kay PNP spokesperson PCSupt. Dionardo Carlos na kumikilos na ang PNP IAS sa kasong ito bukod pa sa imbestigasyon ng Bohol PNP.

Sinabi ni Carlos, na welcome para sa kanila kung may sariling imbestigasyon ang CHR.

Aniya, mahalagang malaman kung may kapabayaan sa panig ng mga pulis o may paglabag sa batas ay dapat lang silang maipagharap ng kaso.

Sa report ng PRO-7, nagtangka umanong tumakas si Saad nang ilipat na sa Bohol District Jail na nagtangka itong mang agaw ng baril kaya siya napatay ng mga pulis.