-- Advertisements --

BanacBombo Network News Live Stream
Careers
English Edition
Entertainment
Environment
Life Style
Nation
OFW News
Promo
Sales
Event
Sci-Tech
Sports
Top Stories
Unicategorize
World
Add New Tag
Separate with commas

Selecting a featured image is recommended for an optimal user experience.
Preview
No image
PNP Spokesperson, PBGen. Bernard Banac

Walang natatanggap na impormasyon ang Philippine National Police (PNP) kaugnay sa report na miyembro ng Peoples Liberation Army (PLA) ang mga Chinese national na kasalukuyang nasa bansa ngayon.

Una ng inihayag ni National Security Adviser Hermogenes ESperon na siya ay nababahala sa presensiya ng mga Chinese na nasa bansa, karamihan sa mga ito pumapasok ng iligal o undocumented.

Ayon kay PNP Spokesperson PBGen. Bernard Banac,mahigpit na ipinapatupad ang batas lalo na sa mga nahuhuling Chinese na mga undocumented habang ang iba ay inaresto dahil sangkot sa ilang mga criminal activities.

Sinabi ni Banac na wala silang report na ang mga Chinese na nasa bansa ngayon ay miyembro ng PLA ng China.

Pinawi naman ni Banac ang pangamba ng publiko kaugnay sa napakaraming presensiya ng mga Chinese sa bansa.

“Wala dapat ikabahala ang ating mga kababayan dahil ang ugnayan ng bansa at China ay patuloy na lumalakasm,” wika ni PBGen. Banac.