Walang anumang impormasyon ang Philippine National Police (PNP) sa kinaroroonan ni Senator Ronald ‘Bato’ Dela Rosa.
Sinabi ni PNP acting chief Police Lieutenant General Jose Melencio Nartatez Jr , na hindi pa nila alam ang kinaroroonan ng Senador at wala din itong warrant of arrest para siya ay arestuhin.
Una rito ay ibinunyag ni dating Presidential Spokesperson Atty. Harry Roque na nakalabas na ang warrant of arrest ni Dela Rosa mula sa Internaitonal Criminal Court.
Subalit itinanggi ng Department of Justice (DOJ) at Department of Interior and Local Government (DILG) na mayroon na silang hawak na arrest warrant sa senador.
Magugunitang kabilang ang Senator na inireklamo sa ICC dahil siya ang nagsilbing PNP chief noong panahon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte noong ipinatupad ang war against drugs.
















