-- Advertisements --

Tukoy na ng Philipppine National Police (PNP) ang indibidwal na nagpapakalat ng mga videos ng hindi umano’y pagsalakay ng PNP-Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) unit sa tahanan ng mga Duterte nito lamang nakaraang linggo.

Ayon kay PNP Chief PGen. Rommel Francisco Marbil, indetified na ang vlogger na hindi muna pinangalanan sa ngayon ang vlogger ngunit tiniyak ni Marbil na sasampahan ito ng mga kaukulang kaso dahil sa pagpapakalat ng mga maling impormasyon tungkol dito.

Nauna na dito ay mariing na itinanggi ng PNP ang mga akusasyon ng pagsalakay at sinabing pawang mga fake news ang mga impormasyon na ito.

Kasunod nito ay kinumpirma rin ni Marbil na kasalukuyang naka-freeze na ang video na ginagamit ng vlogger bilang ebidensya ng raid.

Sa ngayon, ngayong araw sana nakatakdang sampahan ng kaso ang naturang vlogger para sa pagpapakalat nito ng mga hindi berepikadong mga video sa publiko at maaaring maharap sa mga kaso ayon naman sa PNP-Cybercrime Group unit.

Matatandaan naman na naglabas ng pahayag na kinokondena umano ni Davao City1st District Representative Paolo ‘Pulong’ Duterte ang naging raid na agad namang itinanggi at nilinaw ng PNP-CIDG na isang fake news at wala umanong inilalabas na utos na magsagawa ng raid sa tahanan ng mga Duterte.