Kumpiyansa si Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Jonvic Remulla na isang excellent choice ang napili ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. para maging suusnod na hepe ng Philippine National Police (PNP).
Sa isang panayam, mismong si Remulla ang nagkumpirma na nakapili na ang Pangulo ng bagong lider ng Pambansang Pulisya bilang matatapos na ang termino ni PNP Chief PGen. Rommel Francisco Marbil sa Hunyo 7 ng kasalukuyang taon.
Ani Remulla, very qualified, very dynamic at malinis na malinis ang track record ng napili ng Pangulo na dahilan para matawag ng kalihim na isang excellent choice ang naging desisyon ng Pangulo.
Kasunod nito ay hindi naman na muna pinangalanan ng kalihim ang sususnod na hepe at inihayag na hintayin ang magiging anunsyo ng Pangulo sa mga sususnod na raw tungkol dito.
Samantala, nauna na dito ay pinayuhan ni Remulla ang sususnod na hepe na dapat ay mayroon nang established na mission at vision ang PNP at mas mainam aniya kung mayroong iisang continuing vision ang kanilang hanay para hindi paiba-iba ang direktiba, programa at reporma na ginagawa sa loob ng organisasyon.
Ito sana ay sundin sa mga sususnod na taon kahit sino pa man ang mga magiging sususnod na hepe ng PNP.
Matatandaan naman na kumpiyansa rin si Marbil na kahit sino mula sa kanilang hanay ay kayang pamunuan ang PNP dahil ang mga ito aniya ay traind lalo na sa ilalim ng kaniyang liderato.
Tiwala siyang magiging maayos at maganda ang magiging pamamalakad sa loob ng organisasyon kahit sino man ang mapili para sa kaniyang maiiwan na posisyon.