Parehong adhikain ngayon ng Philippine National Police (PNP) at ng na isulong na sundin ng mga susunod na hepe ng PNP ang mga naunang repormang isinagawa ng mga nagdaang lider ng organisasyon para sa mas maayos na pamamalakad nito.
Sa isang panayam, kinumpirma ni PNP Chief PGen. Rommel Francisco Marbil na marami pang kailangan mg ayusing reporma at marami pa ang kailangang ayusin sa loob ng kanilang organisasyon.
Kaya naman payo ng hepe sa mapipisil na humalili sa kaniya, sundan lamang kung ano ang naumpisahang mga pagbabago ngayon sa loob ng PNP.
Aniya, mayroon nang ibinigay ang kaniyang liderato na isang daan na nagtuturo kung ano ang dapat na gawin at baguhin na halos ngayon pa lamang naumpisahang baguhin.
Hiling naman ni Marbil sa susunod na hepe, sundan lamang nito ang mga naumpisahang reporma at mas oalakasin ang mga isinusulong na pagbabago para sa isang mas maganda at mas maayos na PNP.
Ganito rin ang nais na isulong ni Interior and Local Government Secretary Jonvic Remulla para sa mas iisang vision at mission ng PNP.
Aniya, dapat mayroong continuing vision ang mga susunod na hepe para hindi paiba-iba kada taon ang direktiba, vision at maging ang mission statement ng naturang organisasyon.
Goal ngayon ng kanilang tanggapan na gawing mas gawing iisa ang vision at mission statement ng PNP kahit sino pa man ang maging mga susunod na lider ng Pambansang Pulisya.
Sa ngayon, sa kabila ng naging mga pahayag ni Remulla na mayroon na ngang napupusuan si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na bagong hepe ng organisasyon, nanindigan si Marbil na lahat sa ilalim ng kaniyang liderato ay mayroong angking galing at talino at iginiit na kahit sino man mula sa kanilang hanay ay kayang pamunuan ang PNP.