-- Advertisements --

Kinumpirma ni Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Jonvic Remulla na nmayroon nanag napili si Pangulong Ferdinnd Marcos Jr. ng bagong hepe ng Philipine National Police (PNP) na siyang hahalili kay PNP Chief PGen. Rommel Francisco Marbil na siyang matatapos na ang termino sa Hunyo 7.

Ayon sa kalihim, nakapagusap na sila ng Pangulo at hindi na umano kailangan magbigay pa ng rekomendasyon dahil mayroon nang napusuan ang Pangulo kung sino ang magiging lider ng Pambansang Pulisya.

Sa kabila nito ay hindi na muna pinangalanan ng kalihim ang susunod na PNP chief at sinabing hahayaan na lamang niya ang Pangulo na ianunsyo ang pangalan nito sa lalong madaling panahon.

Mas mainam din aniya kung ang sususnod na hepe ay magkkaroong ng mahabang termino para sa pagpapatuloy ng mga vision ng organisasyon at pagsususlong ng mga pagbabago at kaayusan sa kanilang hanay.

Mabuti rin na ang susunod na hepe ay mayroong malinis na track record at maalam sa pagpapatakbo ng organisayon at maging sa mga operasyon ng kanilang hanay para sa isang epektibong liderato.

Samantala, matatandaan naman na matatapos na ang termino ni Marbil sa Hunyo 7 kung saan ilang mga kwalipikadog opisyal ng PNP ang napipisil para humalili sa maiiwang posisyon ng hepe.

Ilan sa mga ito ay sina Lieutenant General Jose Melencio C. Nartatez Jr., Lieutenant General Robert Rodriguez, Lieutenant General Edgar Alan Okubo, Police Major General Nicolas Torre III, at Police Major General Anthony Aberin.