-- Advertisements --

Tiniyak ni Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Juanito Victor ‘Jonvic’ Remulla na magkakaroon na ng mas pinalakas na police presence ang Philippine National Police (PNP) sa mga paaralan kahit pa sa school hours.

Layon aniya nito na maiparamdam sa mga magulang at estudyante ang seguridad na kanilang kinakailangan.

Ani Remulla, ito ay bahagi ng trabaho at mandato ng pulisya at maging ng lokal na pamahalaan.

Hinikayat naman ng kalihim ang publiko na kung sa kabila ng direktiba na ito ay walang namataang pulis sa mga paaralan, itawag ito sa 911 para agad na magpadala ng tauhan ng PNP sa lugar.

Samantala, ang mga hakbang naman aniya na ito ay para tuluyan nang mapababa ang datos ng kriminalidad sa bansa at mas mapalakas pa ang police visibility sa mga pampublikong mga lugar para sa pagpapatupad ng seguridad at kaayusan sa mga komunidad.