Nakatakda na ring ipatupad sa mga komunidad ang implementasyon ng Enhanced Curfew Hours para sa mga kabataang nasa edad 18 taong gulang pababa.
Ayon kay Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Juanito Victor ‘Jonvic’ Remulla, kapag naabutan ang mga kabataan na pasok sa age range na ito na nasa lansangan pa lagpas ng 10:00pm nga gabi, kailangan magpakita ang mga ito ng pruweba na nagaaral sila sa ganitong oras o pauwi sila mula sa kanilang paaralan o hindi kaya’y proof of employment para naman aa mga working students.
Layon aniya nito na maiwasan ang mga geng-geng na kabataan na magpalaganap ng gulo sa mga lansangan at kalsada ng ganitong oras at matiyak na ligtas na nakakauwi ang mga kabataan sa kani-kanilang mga tahanan.
Samantala, gaya ng ilang mga ipinagbabawal na bahagi ng mga hakbang ng ahensya para mapababa pa ang kriminalidad sa bansa ay nakatakda ring hulihin ng mga otoridad ang mga kabataang lalabag sa polisiya na ito.
















