Kasalukuyan nang nakikipagugnayan sa mga Vietnamese counterparts ang mga law enforcement agencies ng Pilipinas matapos na maiulat na namataan sa Vietnam ang puganteng businessman na siyang pangunahing suspek sa kaso ng kssing sabungeros na si Charlie Atong Ang.
Ayon kay Department of Interior and Local Government Secretary Juanito Victor “Jonvic” Remulla, gumagawa na ng mga diplomatic efforts ang pamahalaan para sa pakikipagusap sa mga otoridad ng Vietnam para masilip ang kanilang immigration record upang masiguro kung talaga bang nasa bansa ang most wanted fugitive.
Aniya, mabilis lamang na malalamang ang resulta at kumpirmasyon kung nasa Vietnam si Ang dahil sa mga ongoing na pakikipagugnayan ni Philippine National Police (PNP) Chief PGen. Jose Melencio Nartatez Jr. sa mga otoridad ng naturang bansa.
Samantala, sinisilip naman na posibleng nakalabas ng bansa si Ang sa pamamagitan ng backdoor sa Mindanao patungong Malaysia ilang linggo matapos na lumabas ang warrant of arrests laban sa kaniya.
Sa ngayon, nakikipagugnayan na rin ang DILG at iba pang katuwnag na ahensya para sa pagiisyu ng red notice laban kay Ang para sa agarang pagkakaaresto sa pugante.
















