-- Advertisements --

Kinumpirma ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Juanito Victor ” Jonvic” Remulla na muntikan nang maaresto ng mga otoridad ang Most Wanted at puganteng businessman na si Charlie Atong Ang.

Ayon sa kalihim, ito ay matapos na maglunsad ng operasyon ang iba’t ibang pwersa ng law enforcement agencies nitong umaga ng Huwebes kung saan namatan ang presensiya ni Ang sa isa sa kaniyang mga hideout.

Nangangahulugan aniya ito na nananatili pa rin sa bansa ang pugante bagamat hindi muna sinabi ni Remulla kung saan ang eksaktong lokasyon na namataan si Ang.

Samantala, nauna naman na rito, lumutang din ang ilang mga intelligence information na namataan sa Vietnam si Ang at hinihinala pang dumaan ng backdoor sa Mindanao.

Tiniyak naman ng kalihim na sa kabila ito, magpapatuloy ang mga otoridad na magkasa ng kanilang mga manhunt operations upang masiguro na sa susunod na pagkakataon ay maaaresto na nang tuluyan ang most wanted na negosyante.