-- Advertisements --
Inanunsyo ni Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Juanito Victor ‘Jonvic’ Remulla na mahigpit nang ipinagbabawal ang pagiinuman sa mga lansangan o tabi ng kalsada.
Aniya, ito kasi ang pangunahing dahilan sa likod ng mga away sa lansangan o hindi kaya’y mga sexual harassment sa mga kababaihan.
Inatasan naman ng kalihim ang pulisya at maging ang nga otoridad ng mga lokal na pamahalaan na hulihin ang sinumang lalabag sa polisiyang ito bilang bahagi ng Anti- Public Intoxication Act.
Samantala, sinabi naman ni Remulla na wala naman aniyang problema kung ang inuman ay nagaganap sa loob ng mga tahanan huwag lamang sa mga pampublikong lugar gaya ng mga kalsada at lansangan.
















