Umaasa si Batangas 1st District Representative Leandro Leviste na ma-authenticate na sa mga susunod na linggo at isapubliko na ng Ombudsman ang tinaguriang “Cabral files.”
Ayon sa mambabatas, base sa Department of Public Works and Highways (DPWH), nasa kamay na ng Ombudsman kung i-authenticate ang naturang files.
Iginiit din ng mambabatas na kung sakaling hindi isapubliko ng Office of the Ombudsman ang Cabral files, dapat aniya itong ipaliwanag dahil ito ay isang public documents at marami rin aniya ang may hawak ng kopiya nito.
Matatandaan, nauna ng ibinunyag ni Leviste na naglalaman umano ang naturang kontrobersiyal na Cabral files ng mga listahan ng budget insertions at kanilang proponents na hawak noon ni dating DPWH USec. Catalina Cabral na nakuha umano ni Leviste mula sa dating opisyal bago ito pumanaw.















