Tiniyak ng Philippine National Police (PNP) ang lahat ng tulong pinansyal sa pamilya ng pulis na namatay matapos na makipaglaban sa mga holdupper sa Blumentritt, Sta. Cruz, Manila noong December 11, 2019.

Ito ang tiniyak ni PNP OIC chief Lt. Gen. Archie Francisco Gamboa kasabay ng pagpapaabot ng kanyang simpatiya sa pamilya ni P/Cpl Edgil Bombase ng Manila Police District Station 3 – Central Market Sta. Cruz Police Station.

Ayon kay Gamboa ang buong PNP ay nagdadalamhati sa pagbubuwis ng buhay ng bayaning pulis.

Si Bombase ay pumanaw dahil sa multiple organ failure sa Jose Reyes Memorial Medical Center sa Sta Cruz Manila, habang ginagamot sa kanyang mga tinamong tama ng bala.