-- Advertisements --

Suportado ng Philippine National Police (PNP) ang planong pagpapalabas ng reward money para sa agarang pagkaaresto kay dating AKO Bicol Partylist Representatives Zaldy Co.

Ayon kay acting PNP chief Lt. Gen. Jose Melencio Nartatez Jr. patuloy ang kanilang pakikipag-ugnayan sila sa mga iba’t-ibang ahensiya gaya ng Department of Interior and Local Government (DILG) at Office of the President para sa pagsasaayos sa pag-aresto kay Go.

Dagdag pa nito na gagawa muna sila ng pormal na rekomendasyon sa reward scheme at nakatuon sila sa pag-aresto kay Co.

Ang nasabing reward ay makakatulong sa komunidad para ituro ang kinaroroonan ni Co.