-- Advertisements --

Suportado ng Philippine National Police (PNP) ang mungkahi ni Interior and Local Government Sec. Eduardo Año’s na magkaroon ng specific guidelines para sa pre-campaign period activities.


Hinimok ni Sec. Año ang Commission on Election (COMELEC) na magbigay sa PNP ng definite instructions lalo na sa mga gagawing political rallies or caravans ng sa gayon maka iwas sa anumang insidente gaya ng traffic congestion at overcrowding na posibleng maging super spreader event.

Ayon kay PNP Chief Gen. Dionardo Carlos, ang guidelines ang siyang magiging guide ng mga pulis para tumugon at aksiyunan ang mga ipinagbabawal na gathering.

“The campaign period for both local and national candidates is still early next year and there have been caravans being done anywhere in the country. Yes, we can provide security but the outlined guidelines will prompt us to act on specific actions,” pahayag ni PNP Chief General Carlos.

Binigyang-diin ni Carlos na mahalaga na alam ng PNP kung anong mga aktibidad ang pinapayagan o mahigpit na ipinagbabawal.

Sa ngayon kasi, magkatuwang ang PNP at mga local government units sa pagpapatupad sa minimum public health standards.