-- Advertisements --
Arestado ang anim na Filipino domestic workers sa Hong Kong matapos na nagpanggap ang mga ito bilang dentista.
Kinumpirma ng Philippine Consulate General sa Hong Kong ang pagkakakulong ng mga nitong Agosto 17.
Nasa kustodiya na ang mga ito sa Hong Kong Immigration Department dahil sa breach of condition of stay sa pamamagitan ng pagkuha ng hindi aprubadong trabaho at pagsali sa negosyo sa Hong Kong.
Tiniyak naman ng Consulate General at Migrant Workers Office sa Hong Kong ang tulong sa mga Filipino na naaresto.
Nakikipag-ugnayan na rin ang Consulate General sa Immigration Department Foreign Domestic Helpers Section ng Hong Kong habang isinasagawa ang opisyal na imbestigasyon.