-- Advertisements --

Naniniwala ang Department of Health (DOH) na posible ring maipatupad ang zero balance billing hindi lamang sa Department of Health (DOH) hospitals kundi maging sa iba pang ospital sa buong bansa.

Sa pagdinig ng Senate Committee on Health and Demogaphy, sinabi ni Health Secretary Ted Herbosa, ginagawa nila ang lahat upang mapataas ang PhilHealth benefit package, na makatutulong sa pagpapatupad ng naturang polisiya. 

Ayon sa kalihim, ang utos daw ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ay dapat zero balance billing sa lahat ng DOH hospital ito man ay basic o ward accommodation. 

Sa katunayan aniya, bago pa ianunsyo ng pangulo ang zero balance billing, nag-pilot na sila at kayang ipatupad ang programa sa mga DOH hospital. 

AV… 

Ang Zero Balance Billing (ZBB) ay isang programa ng PhilHealth na nakapaloob sa National Health Insurance Program (NHIP).

Layon ng programang ito na masiguro na hindi na mahihirapan sa gastusin ang mga pasyente, lalo na ang mga indigent patients, kapag sila’y naospital.