-- Advertisements --

STAR FM CEBU -Nangako ngayon ang direktor ng Police Regional Office (PRO) -7 na si Police Brigadier General Albert Ferro na patuloy sa pagbibigay donasyon ng blood plasma ang mga sakop ng pulisya sa mga pasyente na may sakit na covid-19.

Kasunod ito ng pagrekober ng 91 pulis mula sa nakamamatay na sakit.
Nananawagan pa ang mga ospital sa Cebu City ng mga magdodonate nito mula sa mga covid-19 recoveries.

Maging ang first batch ng Cebu City Police Office (CCPO) na gumaling mula sa nasabing virus ay nag-donate ng kanilang blood plasma sa mga sibilyan na nangangailangan at nasa panganib ng pakikipaglaban sa covid-19.

Sinabi pa ni Ferro na nagsimula silang mag-donate nito noon pang Hunyo kung saan dalawang pasyenteng nasa kritikal na kondisyon ang nakabenepisyo nito at kalaunan ay gumaling din.

Bagaman hindi nakumpirma ng naunang mga pag-aaral kung gaano kaepektibo ang blood plasma donation laban sa COVID-19, sinubukan pa rin ito sa mga ospital sa ilalim ng pag-apruba ng Department of Health (DOH) -7.