Pinaiimbestigahan ngayon ni PNP chief PGen. Oscar Albayalde sa Anti-Cybercrime Group (ACG) ang online message board 8chan, na umano’y ginamit ng gunman bago nito isinagawa ang krimen na siyang responsable sa pamamaril sa El Paso,Texas.
Sinabi ni Albayalde inatasan niya ang ACG para iverify at imonitor ang nasabing website.
Batay sa ulat nag post ng apat na pahinang statement ang gunman na si Patrick Crusius sa 8chan bago nito ginawa ang pag atake na sinabing ang kaniyang pag atake ay may kaugnayan sa Hispanic invasion sa Texas.
Nilinaw naman ni Albayalde na hindi nila basta-basta na iutos ang pagsara ng nasabing website dahil kailangan may complainant at nakadepende din kung ano ang content ng nasabing website.
Naniniwala naman si Albayalde na malabo magkaroon ng shooting insident sa bansa dahil mahigpit ang regulasyon sa pagbili ng armas.