-- Advertisements --
Pumanaw na ang kauna-unahang Miss Universe mula sa Argentina na si Norma Beatriz Nolan sa edad na 87.
Inanunsiyo ng Miss Universe Organization ang malungkot na balita.
Hindi na nila binanggit pa ang sanhi ng kamatayan nito.
Taong 1962 ng kinoronahan si Nolan kung saan siya ang unang titleholder sa kanilang bansa.
Ginanap ang nasabing pageant sa Miami Beach, Floridad noong Huly 14, 1962 kung saan 24-anyos si Nolan noon.
Isinilang siya sa Venado, Argentina noong Abril 22, 1938 kung saan Irish ang lolo nito at may dugong Italian ang kaniyang ina.
Matapos ang pagiging Miss Universe ay pinili nitong maging pribado ang buhay kung saan hindi siya pumasok sa showbiz maging ang mga interviews ay hindi niya pinauunlakan.