Patuloy ang ikinakasang relief operations ng Philippine National Police (PNP) sa gitna ng nagpapatuloy na sungit ng panahon.
Nagtalaga ng higit sa 6,000 na kapulisan ang PNP para sa pagsasagawa ng mga emergency management operations sa mga lugar na lubhang apektado ng nagdaang Bagyong Crising.
Ayon kay PNP Public Information Office Chief PBGen. Randulf Tuano, sa kabuuang bilang na 6,000 na mga kapulisan, 1,606 ang itinalaga sa Cagayan Valley, Central Luzon, Western Visayas, Zamboanga Peninsula, Cordillera Region, Negros Island at Metro Manila.
Habanng nasa 4,307 naman na mga kapulisan mula sa reactionary support ng PNP ang nakastandby at handa bilang augmentation kung sakali mang kailanganin ng karagdagang tauhan sa mga naturang lugar.
Base naman sa mga datos at ulat ng PNP, nasa higit 13,715 na mga evacuation centers ang bukas at maaaring mapuntahan ng mga apektadong residente sa mga apektadong rehiyon.
Sa kaugnay naman na balita, ayon sa mga datos ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) Disaster Response Operations Management, Information and Communication, 5,022 pamilya o katumbas ng 17,694 na mga indibidwal ang apektado ng malalakas ng pagulan mula sa mga baranagay sa MIMAROPA, Western Visayas, Central Visayas, at Zamboanga Peninsula.
Nakapagbigay naman na ng paunang tulong ang DSWD at nakapagpaabot ng P744,539 na halaga ng mga family food packs (FFP’s) at non-food items.
Sa kasalukuyan ay may nakahanda at nakastandby pang higit sa tatlong milyong mga kahon ng FFP’s ang nasa National Resource Operations Center ng kanilang tanggapan habang nagpapatuloy ang repacking at replenishment ng mga relief items.