Nanindigan ang pamunuan ng pambansang pulisya na legal at naayon sa Saligang Batas ang kanilang operasyon kontra droga.

Ayon kay PNP Spokesperson CSupt. Dionardo Carlos, na walang iligal sa kanilang operasyon sa war on drugs dahil maingat ang PNP dito.

Pero aminado si Carlos na may mga pulis talaga na ginagamit ang kampanya kontra droga para sa kanilang pansariling interes.

Inihayag ni Carlos na welcome sa PNP ang paghain ng pestisyon ng grupong Free Legal Assistance Group (FLAG) na kumukwestiyon sa Command Memorandum Circular No. 16-2016.

Sinabi ni Carlos na nirerespeto nila ang filing ng FLAG group, subalit giit nito na nakapaloob sa programa ng pamahalaan at sa national anti-drug plan of action ang kanilang mga hakbang kayat kampante ang PNP na tamang direksiyon ang kanilang tinatahak.