-- Advertisements --
Nakalikom ng P208.1 million ang Philippine National Police sa kanilang “Bayanihan Fund Challenge” para tulungan ang mga pamilya na apektado ng coronavirus pandemic sa bansa.
Sinabi ni PNP spokesperson Police Brigadier General Bernard Banac, na galing sa mga boluntaryong kontribusyon ng mga PNP personnel ang nasabing halaga.
Dagdag pa nito na ang proyekto ay pinamunuan mismo ni PNP chief Gen. Archie Francisco Gamboa.
Sa nasabing proyekto ay hinikayat nila ang 205,000 personnel na mag-adopt ng mga mahihirap na pamilya para bigyan sila ng food packs o grocery at financial assistance.