-- Advertisements --

Naglabas na ng kautusan ang liderato ng Philippine National Police (PNP) kaugnay sa re-assignment muli ni P/Supt. Jovie Espinido pabalik ng Ozamiz City.

Ayon kay PNP Spokesperson C/Supt. Benigno Durana, ang nasabing direktiba ay batay sa kagustuhan ng Pangulong Rodrigo Duterte na ibalik sa Region 10 si Espenido.

“The commander in chief has the authority under the law to deploy anyone from the uniformed service, the AFP and PNP anywhere in the country,” wika ni Durana.

Bukod sa kagustuhan ng mga residente hindi na nagbanggit pa ng ibang dahilan si Durana kaugnay sa reassignment ng nasabing opisyal.

Hindi naman umano privy si Durana kung ano ang ibinigay na marching order kay Espinido ngayong balik siya sa Ozamiz bilang chief of police.

Itinanggi naman ni Durana na ang pagbabalik ni Espinido sa northern Mindanao ay para i-micromanage ang Ozamiz City na balwarte ng mga Parojinog.

Si Espinido ay dating hepe ng Ozamiz PNP pero ni-relieve sa puwesto at idineploy sa Luzon, ibinalik sa Region 8 at ngayon ay balik sa Region 10.